Thursday, December 27, 2018

"Doc In , Doc Out November 2018 Espesyal letter to patients: Ate Scratch Edition"



"Doc In , Doc Out November 2018 Espesyal letter to patients: Ate Scratch Edition"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD

Dear Ate Scratch,

"Give me some scratch!" Ayan nahahalata na kung gaano ako katanda. Magpapasko na pero ang style mo eh bulok pa din. Pumunta ka sa akin , "Doc nabibingi ako sa kaliwang tenga" . "Masakit siya kapag may pumapasok na sound." "4 na ara na siya."

Kaya ayun pinakinggan kita ng maigi. At tiningnan kita ng maigi. Nakakarinig ka ng maayos. Walang problema ang loob ng tenga mo. Di masakit kapag pinipisil o hinihila....nung una. Nung medyo nakatunog ka na medyo nahahalata na kita biglang kunyari nagkaroon ng pain pero malayo sa dapat kung saan yung sakit.

Isa lang ang nakita ko na problema mo...kinamot at ginasgas mo ng kusa ang kaliwang tenga mo. Kahit na narealize mo na natunugan na kita ito pa ang pagalit mo na sinabi sa akin " Puwede bang magrest ng 1 hour?"

At siyempre kalma naman ako nagsabi ng..."Hindi. Pero may ibibigay ako para sa kirot. Inumin mo. At sa susunod wag mong kalmutin ang sarili mo. Kasi lahat na ng tao sa floor kakalmutin ang sarili nila sa tenga at hihingi ng rest. "

Audition fail ka Ate Scratch. Thank you Next.

Di natuwa ,

Doc June

No comments:

Post a Comment