Monday, November 26, 2018

"Doc In , Doc Out Espesyal Letter to patients: Ate Vertigo McDo."


"Doc In , Doc Out Espesyal Letter to patients: Ate Vertigo McDo."
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD

Dear Ate Vertigo,

Alam mo ba ang una kong napansin nung nagpaconsult ka sa akin kanina? Ang napakaganda mong hair and make up. Sabay sobrang steady mong nakatingin sa akin habang kinakausap kita at sinasabi mo na may vertigo ka. Yung tipong sabi mo kanina ka pang hilong hilo pero habang nasa clinic ka at pinagmamasdan kita eh di kita nakitaan ng ni isang senyales nito.

Natutuwa ako sa make up mo. Smoky eyes. Iniisip ko kung paano mo nagawa yan ng pantay kung kanina ka pa nahihilo eh. Kapag ako kasi nagkakavertigo eh dahil sa sobang lula di na ako bumabangon , di ko dinidilat ang mata ko at gusto ko na lang matulog habang iniintay ko na umepekto yung gamot ko. 

I guess di naman ako expert sa pagmimake up at pagaayos pero alam ko mahirap gawin yun habang umiikot at umaalon alon ang mundo. Yun lang.

Kaya sa susunod Ate Vertigo galingan mo ang pagacting. Yung dapat convincing talaga. No Golden Ticket For you. Back to floor.

Di Naaaliw,

Doc June 

No comments:

Post a Comment