Monday, October 29, 2018

"Patuloy ang ikot"


"Patuloy ang ikot"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD

I
Aanhin ko ang mga sigaw?
Ang mga di pagkakaintindihan?
Aanhin ko ang mga paghuhusga mo?
Ang husay mo kaibigan.

II
Di ko kailangan ng ahas
na sa akin ay kakagat sa huli
Di ko kailangan ng buwitre
na uubos ng mga buto ko sa huli

III
Di ko iinumin ang lason
na inaabot mo ng madalas
Nakita ko na ang istilo
Mamumuhay lang ako at tutuloy

IV
Aanhin ko ang sigaw mong walang patutunguhan?
Ang mga dahilan mong baluktot at paikot ikot?
Mauubusan ka din ng boses
Ako naman ang di makikinig.

UHG Bldg.O , Quezon City 10/13/18 2:16am

No comments:

Post a Comment