Friday, September 28, 2018

"Doc In , Doc Out Espesyal letter to patients: Inumin ko lang daw ulit"


"Doc In , Doc Out Espesyal letter to patients: Inumin ko lang daw ulit"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD

Dear Ate Patient,

Nung nagconsult ka sa akin at sinabi mo na may sore throat ka. Tiningnan ka naming mabuti at wala ni pamamaga o pamumula man lang sa lalamunan mo. At mas malinaw pa ang boses mo sa akin.Normal din ang temperature mo at iba pang vital sign pero gusto mong magpauwi.

Kadalasan hahayaan ko na lang yan at pababalikin ka sa trabaho na parang ayaw mong pasukan. Pero nung sinabi mo na ang payo sa iyo ng doctor mo eh kapag naulit yung sorethroat mo eh iinuman mo lang ulit ng antibiotic ng walang konsulta dun talaga tayo nagkaproblema. Lalo na nung sinabi mo na naka 2 araw ka nang umiinom ng gamot na wala ka namang sakit.

Di ko natiis. Nasabi ko talaga na sinong doctor ang magpapayo niyan. Hiningi ko ang reseta mo at dun nakalagay na Cefuroxime 500mg three times a day for one week. Sabi ko wala naman payo na ganyan paginom mo. Ikaw ang sumagot na sinabi na lang ng doctor mo na ganun gawin mo.

Iha , walang doctor na nasa tamang katinuan ang magsasabi niyan kasi pinaghirapan naming makuha ang mga lisensya namin. Di ka papainumin ng antibiotic kung di kailangan. Di din naman ako naniniwala na ininom mo kasi dapat ang problema mo eh sobrang pagtatae at di gusto ko nang umuwi.

Ate magbago ka na. Matatapos na ang 2018 sinungaling ka pa din.

Di masyadong nagmamahal ,

Doc June

No comments:

Post a Comment