Friday, July 20, 2018

"Puntod"


"Puntod"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD

I
Kapag pumapatak ang ulan 
bumabalik ang mga away nating mabilis matapos
ang mga sinasabi nating masakit pero nauubos
mga bagay na kahit nauulit ay di nalilimot.

II
Di maisigaw ang galit sa kawalan
kung ang kawalan ay ayaw na ding makinig
at tinalikuran ng panahon ang mga sandali
na pilit ko sanang binabawi

III
At kada patak ng ulan
nilalamon ang bawat hibla ng nakaraan
dito sa puso kong tuyo kahit basang basa ang katawan
Ano pa ba ang dapat gawin?

IV
At sa pagluhod ko sa harap ng iyong puntod
Wala. Wala nang magagawa
Napunit na ang huling pahina ng libro.
Oras na para magsulat ng panibago.

9:43am 07/09/18 Little Tagaytay , Valenzuela City.

No comments:

Post a Comment