Friday, July 20, 2018

"Pangangailangan"


"Pangangailangan"
by"
Virgilio F.De leon Jr.MD

I
Di ko iniisip na may kulang
Pinupuno ang mga araw ng mga magagandang alaala
Binubusog ang sarili ng mga litrato mo sa isip ko
Pinalilipas ang oras na kunyari ikaw ay andito

II
Pero ikaw pa din ang kulang
ang araw ay di napupuno na ganito ganito lang
ang gutom as di nabubusog ng alaala
ang oras at tumigil simula nang mawala ka

III
At patuloy ang uhaw sa mga segundong huli
nung sa akin pa ang liwanag ng iyong ngiti
Pero parang bumbilya na napundi
Andito na lang ako , magisa sa dilim.

9:41am 07/09/18 Little Tagaytay , Valenzuela City.

No comments:

Post a Comment