Friday, July 20, 2018

"Malayo na"


"Malayo na"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD

I
Bakit ba ako nagagalit kapag nakikita ko kayo?
Kung parang di naman pala naging tayo
Bakit nasasaktan sa tuwing may ganung eksena
Di ko naman mapigilan ang inis sa tuwina

II
Sabihin ko man na wag kayong magtabi
mariring mo ba? ititigil dahil sa mga sinabi?
Di mo nga ako kilala
yun pa ang mas malala

III
Dinadaan na lang sa tawa
nagiging parang bata
nagseselos sa mga bagay na di naman dapat
di naman maiwasang kaagad na malaman

IV
Parang tanga lang sa mga inaasa
di maaring mangyari kahit ano't ano pa
Malayong malayo ang mga pangarap
sa mga realidad na hinaharap.

7:45 07/10/18 Optum Bldg N , Quezon City.

No comments:

Post a Comment