Friday, June 29, 2018

"Doc In , Doc Out Espeyal Letter to Patients: Dear Jordan Israel"


"Doc In , Doc Out Espeyal Letter to Patients: Dear Jordan Israel"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD

Dear Jordan Israel,

Huhulaan ko. Ang iyong mga magulang ay nakapagtrabaho sa lugar na ito o di kaya ay lubhang naapektuhan sa mga kaguluhan sa mga border ng bansang ito o sila ay isang taga Israel at taga Jordan kaya nila pinangalan ito sa iyo.

Pero nung tiningnan ko yung mapa sana di na lang sila tumigil dito sa Jordan Israel kasi kung wala yung apelyido mo eh parang kamag anak mo si Dick Israel. Puwede rin naman na Egypt Israel kaso siguro naisip nila na natalo ng Israel ang Egypt nun kaya malabo silang mag group hug bigla. Kung Jordan Iraq naman ang pinangalan sa iyo eh parang kinalimutan nila ang mga Hudyo na mga anak ng Diyos. 

Kung ano man ang dahilan ng mga magulang mo kung bakit ka pinangalanan ng ganyan ay di ko na malalaman kasi di ko na maitatanong. Pero nagpapasalamat ako kasi kung ano ano ang naisip ko habang nakasama kitang ng maliit na oras.

Yun lang. Mas mahabang buhay sa iyo Jordan Israel( Na di related kay Michael Jordan or Dick Israel in anyway)

Doc June

No comments:

Post a Comment