"Doc In , Doc Out Espesyal Letter to Patients: Mga Marino"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD
Dear Mga Marino,
Di niyo alam na ako ay nalulungkot tuwing kayo ang pasyente ko. Di niya ako kilala pero ang tatay ko ay naging mabuti at magaling na Kapitan ng kanyang mga sinakyang barko sa 4 na dekada.
Ngayon na nakikita ko ang mga nagsisimula pa lang na mga batang kadete at ang mga paretiro nang opisyal na napakarami nang nararamdaman nakikita ko ang tatay ko sa inyo. Ang kanyang kasipagan , ang kanyang pagkameticuloso sa pag ayos ng mga papel at gamit. Sa kanyang pagising ng maaga at madisiplina na pagdadala ng sarili sa harap ng mga tao.
Kayo na nagsisimula pa lang gusto kong sabihin na galingan ninyo , nagsimula din ang tatay ko diyan sa kinalalagyan niyo at di siya tumigil na mag aral at magturo hanggang sa inabot niya ang pinakamataas na lisensiya ng propesyon ninyo. Kaya sipag at tiyaga lang.
Kayo po na paretiro na. Nagpapasalamat po ako sa inyo bilang katawan ng inyong mga anak at kamag anak na natulungan ng naipon ninyong lungkot sa ibang bansa. Di madali pero kinaya ninyo. Yung lumaki ang ibang mga anak ninyo na di kayo kilala at minsan maloko ng mga misis na nangungulila din ng kalinga. Saludo ako sa inyong tiyaga. Tulad ng tatay ko. Sana maenjoy ninyo ang pagreretiro. Isang bagay na di niya natuloy.
Di niyo alam ang lungkot ko siyempre. Minsan lang kasi tayo magkita at ang inaalala niyo ay kung may makikita akong kakaiba sa PE ninyo or sa laboratoryo or ECG o Xray na magigng daan na di kayo makasakay. Wag po kayong magalala. Ang Tatay ko po ay Marino. Naiintindihan ko kayo.
Saludo sa mga Marino,
Doc June
No comments:
Post a Comment