Monday, May 28, 2018

"Doc In , Doc Out Espesyal Letter to Patients - Dear Liar"


"Doc In , Doc Out Espesyal Letter to Patients  - Dear Liar"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD

Dear Liar,

I am normally a very tolerant person but one thing I cannot tolerate is when you are lying to my face and you expect me to just swallow every thing that you have just regurgitated.

Lie#1 - Dapat po babalik ako sa pulmo kaso wala po pala siyang clinic ng Sunday.

Malamang na wala siyang clinic nun. Wala pong OPD or doctor na magbubukas ng clinic ng linggo. Mga ER Docs lang po ang available sa inyo ng mga ganyang araw. 

Lie#2 - Di po yung Pulmo ang nagpapabalik , yung nurse po ang nagsabi sa akin.

Hmmmmm sa umpisa wala kang sinabi na nurse. Ang sabi mo babalik ka kasi pinapabalik ka ni Pulmo mismo. Nag acting ka pa na nagulat na wala siya. Althought lumabas din sa bibig mo na dapat Monday ka dapat babalik. tsk tsk tsk.

Lie#3 - Last year naman di po ako hiningan ng fit to work.

Hmmmm. Matagal ka na sa BPO. More than 6 years tapos nabibigla ka na may FTW requirement?Automatic yun for every prolonged absence. You expect me to believe na di mo alam yun? Katulad nung sinabi mo sa akin na walang Doctor na nagsabi sa iyo regarding sa masamang side effect ng pagnebulize ng di naman kailangan.

Hay. Pinapasaya mo lalo na ang araw ko. Lubos lubosin mo na. Dalhin mo na yung mga papers mo para masentensiyahan na kita. 

Di Masyadong natutuwa,

Doc June

No comments:

Post a Comment