Monday, May 28, 2018

"Doc In , Doc Out Espesyal Letter to Patients: Fiona"


"Doc In , Doc Out Espesyal Letter to Patients: Fiona"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD

Dear Fiona,

Alam natin pareho ang para paraan na ginagawa mo para lang di na magcalls. Ito lang ang payo ko sa iyo. Kung di mo na kaya ay magpaalam ka na. Di yung kada isang linggo nagrerequest ka ng voice rest until end of shift na di naman related sa boses mo.

Hindi porke't napagbigyan ka ng minsan eh akala mo uubra ka sa lahat ng makakaharap mo sa clinic. Magtataray ka. Mag aaacuse ng kung ano ano. Magbubully ng mga batang doctor na mabait din naman at ayaw kang patulan.

Kaso lang di na ako batang doctor at ang prinsipyo ko ay kung gago ka sa akin eh mas gago ako sa iyo. So ngayon nagpapavoice rest ka dahil sa pulikat ng paa mo. Expected mo na gagawin ko yun. Pero di ko ginawa. Tinitingnan ko kung ano ang reaksyon mo sa akin kanina.

Buti at naglakad ka palabas ng clinic at naging consistent sa paika-ika mong lakad na wala naman nung nakita kita sa lobby 2 hours bago ka pumunta sa clinic. Sabi mo sumakay ka ng tricycle at naitukod mo ang paa mo kaya masakit. Praktisado na yung sinasabi mo sa akin. Ganyang ganyan din nung sinabi mo na ngayon lang nasira ang ipin mo eh halos upod na upod na sa tartar.

Hay Fiona. Magbago ka na. Di ka mamahalin ni Shrek kapag ganyan ka.

Di Naaliw sa iyo,
Doc June

No comments:

Post a Comment