Friday, March 23, 2018

"Doc In , Doc Out:For Tonsillectomy na walang tonsils edition"


"Doc In , Doc Out:For Tonsillectomy na walang tonsils edition"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD


Dear Patient,

Pumunta ka sa clinic na walang boses. Tuloy tuloy ang consistent mong acting kahit na pinapagsalita kita ng tuloy tuloy. Alam kung di mo na ito first time sa ganitong gawain kasi pagpasok mo pa lang eh naendorse ka na sa akin.

Ok naman na sana. Puwede naman ako magbigay ng rest kaso bigla mong sinabi na for tonsillectomy ka na next week. So obligado akong silipin ang lalamunan mo at Lo and Behold! Di namamaga ang lalamunan mo. Di man lang namumula. So di ko maintindihan kung ano ang aalisin dun sa tonsillectomy mo?

Pre emptive strike ba ang ginusto mo?

Eh paano ngayon yan. Nahalata na natin ang acting job?
Back to floor na po tayo.

Di Masyadong Nagmamahal,

Doc June

No comments:

Post a Comment