Friday, February 23, 2018

"Doc in,Doc out Espesyal Letter to patients:Pinauwi ni TL edition"


"Doc in,Doc out Espesyal Letter to Patients:Pinauwi ni TL edition"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD

Dear Di Masyadong minamahal na patients,

Isa sa mga bagay na ayaw marining ng mga doctor na nagbabantay sa mga call centers ay ang mga katagang "pinapauwi po ako ni TL" pagpakapasok na pagkapasok pa lang ng pasyente sa loob ng clinic.

Ito ay dahil sa mga sumusunod na dahilan:

1) Ikaw ay desidido nang pauwiin ni TL. Kung ganito ang sitwasyon bakit mo pa kailangang bumaba ng clinic at makisama sa mahabang pila ng mga taong tunay na may sakit at di alam ang gagawin? Ang sagot ko lang palagi ay kung decided na po si TL na pauwiin ka eh di mo na kailangang dumaan ng clinic. Uwi ka na.

2) Kung di mo gustong marining ang assessment ng clinic at ang gusto mo eh basbas ng clinic para lang umuwi ka eh again si TL ang kausapin mo at wag ang mga nurses at doctor. Kung gusto mo naman na ma assess ka namin eh ok lang kasi yun ang mas gusto namin.

Gagawin kung malinaw para sa lahat. Di na po kailangan pumunta sa clinic kung sinabi na ni TL na gusto ka niyang pauwiin. Pero wag pong sasabihin na kailangan ng clinic pass or basbas ng clinic bago ka umuwi. Nasa paguusap niyo na po yan ng inyong TL.

Ngayon kung gusto mo namang magtrabaho at humingi ng tulong sa clinic tutulungan ka namin. Kung kailangan kang dalhin sa ER o pauwiin eh sasabihin namin sa iyo pagkatapos ka naming tingnan. 

Mas maganda siguro na sabihin mo na masama ang pakiramdam mo and we can take it from there.Ok? Wag yung sa bungad pa lang eh "Pinapauwi po ako ni TL."

O malinaw na ha. See you soon. Or not. Ok din. Whatever you decide.

Di masyadong nagmamahal,
Doc June

No comments:

Post a Comment