"Doc In , Doc Out Espesyal Letter to Patients:Videoke Edition."
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD
Dear Di masyadong minamahal na pasyente,
Ito na naman po tayo. Napasarap sa ating mga reunion , birthday party at kung ano pang weekend activities na nangangailangan na ikaw ay kumanta na parang nalulunod na daga sa kalagitnaan ng tahimik na kalye at makabulahaw ng iyong mga kapit bahay.
In short nagvideoke ka na naman kahit na alam mo na ang puhunan ng iyong pagtatrabaho sa call center ay ang iyong boses. Sana eh nabayaran ka kung kumanta ka na parang wala nang bukas. Kung di naman eh mas malala ngayon kasi di ka makakapag calls at di ka din mababayaran sa trabaho mo talaga.
Siguro naman may ibang paraan pa naman na makapagrelax na di kailangang mawala ang boses mo di ba? At sa susunod wag mong sasabihin sa akin na bigla na lang nawala ang boses mo kasi parang ano yun may mga engkanto na kumuha ng boses mo? Hindi puwedeng pagtulog mo may boses ka at pagkagising mo eh wala na.
Wag na tayong magvideoke kung di din naman natin kayang pangatawanan ang ating pagkanta ok? Apektado na ang kita mo , apektado pa ang account mo at higit sa lahat nasasayang ang oras ko sa iyo samantalang may mga may sakit talaga na di ko kaagad nakikita dahil sa kakulitan mo. Yun lang. Wag mo na ding ulitin.
Di nagmamahal,
Doc June
No comments:
Post a Comment