Thursday, November 16, 2017

"Doc In , Doc Out Espesyal Letter to Patients - Bonus edition"


"Doc In , Doc Out Espesyal Letter to Patients  - Bonus edition"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD


Dear Beloved patients,

Ngayong Nobyembre na marami sa inyo ang makakatanggap ng inyong mga 13 month pay. Ang payo ko ay magingat dahil marami din ang nakakaalam na may 13th month pay na kayo.

Ilang pasyente na din ang nakita ko sa clinic noon na may laslas ang bag at kamay dahil nakipaglaban sa mga holdupper. Kaya magingat at wag magdala ng pera na malaki kung di naman kailangan. Mas magandang sa mall na lang mag withdraw or kung uuwi man na may perang malaki eh siguraduhing may kasama para di napapahamak.

At kung kayo man ay manlilibre ng mga kaibigan o kamag anak ay wag kalimutang inumin ang mga gamot at maghanda na din sa pagtaaas ng inyong mga cholesterol ok? Wag na kayong mabigla.

Pero kung nahilo man kayo eh andito naman ako sa clinic. Dalaw lang. Dalhan niyo na lang din ako ng something. Kayo na ang bahala. Di naman ako choosy.

Advance Merry Christmas.

Di pa din masyadong nagmamahal,

Doc June

No comments:

Post a Comment