"Doc In , Doc Out Espesyal Letter to Patients:Dysmenorrhea edition"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD
Dear Beloved Patients,
Nais ko pong ipabatid na ako ay isang Doctor. Ako din po ay lumaki kasama ang aking nanay at mga tiyahin. Ako po ay may asawa at dalagitang anak.
Kaya kung sasabihin mo na di ko naiintindihan ang epekto ng dysmenorrhea sa katawan mo dahil ako ay isang lalaki ay isang insulto. Yung mga taon na nakita ko ang epekto nito sa mga babae sa buhay ko ay mga bagay na di mo alam kaya pinapatawad na kita.(after ko magfile ng IR).
Kung sabagay alam ko na sinabi mo lang yun nung nalaman mo na di kita pauuwiin dahil lang diyan at sa excuse mo na ayaw mong uminom ng gamot dahil pinagbawalan ka ng OB mo. Ang OB mo na di mo alam ang pangalan at wala ang number sa cellphone.
Bakit alam ko na gusto mo lang magpauwi? Aba ni wala kang dalang extrang damit. Kung buwan buwan mong nararanasan yan tulad ng sinasabi mo eh di ba dapat handa ka na para diyan? Eh hindi naman. So di ko alam kung sino sa atin ang di nakakaintindi ng kundisyon mo. Sa mga nakita ko sa mahal ko sa buhay parte na yan ng buwanang dalaw. Wala sa kanila ang nagpauwi o nagpaospital o nagsabi na di sila papasok ng opisina o eskwela. Pero iba iba naman tayo. At least alam ko yun.
Kaya Ate next time kung masama ang pakiramdam mo panindigan mo na masama talaga ang pakiramdam mo at wag kang pumasok. Imagine , naligo ka, nagprepare ng gamit , nagmake up , sumakay ng bus or jeep papuntang opisina at nilakad ang malalayong corridor papunta sa clinic. Parang di ata kayang gawin yun ng taong nasa 8/10 na ang pain scale.
So research muna ng kaunti or umattend ng mas magandaing acting workshop para sa susunod mas convincing. Ok?
Di masyadong nagmamahal sa kakulitan mo,
Doc June.
No comments:
Post a Comment