Monday, October 23, 2017

"Ang sakit ng mga may sakit"


"Ang sakit ng mga may sakit"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD

I
Ako po ay may sakit
Ubo ng mama
pagdurugo ng ale
pagpunta at balik sa banyo ni Ate

II
Gusto ko na pong...
...magpahinga 
...umuwi
...uminom ng gamot

III
Gusto ko na pong...
...huminto
...magpatuloy
...maging kapakipakinabang

IV
At ako ay may sakit din
Na naghihirap magtiwala
sa mga sinasabi na di tugma
di tugma sa sintomas ni Ate at Kuya.

V
So ano ang gagawin sa mga may sakit?
Na gawa gawa lamang para magpahinga
So ano ang gagawin ng di na nagtitiwala?

VI
Gusto ko nang...
...manakal
...mang alog
...mag tanong

VII
Paulit ulit na lang tayo
sa hinaba haba ng panahon.
Sinungaling ka pa din
at ako ay nagpupumilit huminahon.

TM Kalaw , 10/07/ 2017 9:26am

No comments:

Post a Comment