Monday, September 11, 2017

"An Exercise In Futility"


"An Exercise In Futility"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD

Ang dami dami mong sinasabi
pero wala ka naman palang alam
Ang alam mo eh pumustura ng pumustura
sabay sabay lang sa mga mura

Di ko maintindihan ang punto
Di matatapos tapos na argumento
kung sino ang tama , kung sino ang mali
Eh kalokohan lang naman kasi puro naman bingi

Sisigaw ang isa at sisigaw din ang isa
Pataas ng pataas ang ihi hanggang kalawakan
Isang hakbang pa at isang hakbang pa
Aba eh tatama ka na sa paa ng Diyos Ama

Pero kahit na ano pa ang sabihin mo
Di naman nareremedyohan ang reklamo
Kasi puro lang putak ang ang alam ninyo
Pag nagkatulakan na anong silbi ng talak mo?

UHG , Quezon City. 09/12/2017 

No comments:

Post a Comment