Tuesday, February 28, 2017

"Troll"



"Troll"
ni:
Virgilio F. De leon Jr.MD

I
Tagaktak ang pawis
Sa silid na madilim
Takatak sa keyboard
Tangi mong maririnig

II
Opinyong kakatwa
Pilit na pinapakain
Sa isinumpang online
Walang paki sa damdamin

III
Balat sibuyas kapang napansin
mura ang sagot sa magandang layunin
Pagbabanta , pagkondena
ang araw araw niyang hinahain

IV
Nagtatago sa ibang ngalan at anyo
Troll sa internet laging humahayo
Nagkakalat ng pait
Nagkakalat ng lagim
Mga sigaw lang ng duwag sa dilim

10/08/2016
Shaw 500 Centrum

No comments:

Post a Comment