Tuesday, February 10, 2015

"Sa Aking Mga Kamay"


"Sa aking mga Kamay"
by:
Virgilio F. De leon Jr. MD

Kapag lumuluha ang langit
ay lumuluha din ako
Di mapigilan ang mga alaala
Ang aking kadiliman lamang ang kasama

Dito sa tahimik ngunit naririnig
boses mong wala na ngayon
Napatitig sa mga baluktot kong kamay ngayon
Di mapigilang bumabalik sa araw na yun

Ang aking kamay na kumitil sa iyo
Una'y galit ang nakita sa mga mata mo...
Kaya mong gawin yan? Ako na mahal mo?
Pilit na tanong ng tingin mo...

Nang di tumigil at ako'y nagtuloy
Takot ang nakita sa iyong mukha
pagmamakaawa , pagmamakaawa
paghingi ng kaunting pangunawa

Sa aking mga braso
mga peklat ng paglaban mo
pagbaon ng kuko
bago ka tuluyang sumuko.

At nang pinikit ko
ang iyong mga magagandang mata
hinalikan sa labi 
ng huling beses pa

Nagpaalam sa dati kong centro
nagpunta sa kadiliman
naghanap ng katahimikan
naghahanap , naghahanap ng kanlungan

Kapag lumuluha ang langit
ay lumuluha din ako
Di mapigilan ang mga alaala
pagkat kadiliman lamang ang aking kasama


XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Picture from Picshark.com

No comments:

Post a Comment