Friday, June 28, 2013

“Pizza Pie Ng Lipunan”




“Pizza Pie Ng Lipunan”
 by:
Virgilio F. De leon Jr.

Pumapatak ang pawis ng magsasaka
Nauubos ang lakas sa kanyang paggawa
Pumapatak ang luha ng mga dukha
Sila , sila na inagawan ng lupa

Umaalingawnagaw ang mga sigaw
Sa mga puso ito ay pumupukaw
Panaghoy ng kahirapan
Sana’y malapit ng tugunan

Tumatakbo ang bata mula sa pulisya
Nireregaluhan para magdala ng droga
Tumatakbo ang metro ng sobrang bilis
Sa loob ng taxi ng tsuper na madungis

Sumasangsang ang hangin sa siyudad
Napupuno ng mga itim na tanim at namumukadkad
At iisa lamang ang tanong
Kailan sasagutin ang mga panaghoy?

Sumasakit ang puso ng mga nasalanta
Hubot-hubad ang mga bata at gutom pa
Sumasakit ang bulsa ng estudyante sa siyudad
Walang-wala na nga  tumaas pa ang tuition sa unibersidad

Lalong nababaon sa kadiliman
Hanggang hindi na kita ang kaila-ilaliman
Itong mga suliranin na bumabagabag
Mga lason na pumapayagpag

No comments:

Post a Comment