“Bomba sa Manila”
ni:
Virgilio F. De leon Jr.
I
Sasakay ng LRT si lolo
Pinaupo sa dulo
Mababait na mga tao
II
Sasakay si Miss Maganda
Isang tingin lang
Pauupuin rin niya
III
Ang hindi nakita
Nakabalot sa supot na pula
At nang mapuna
Ay huli na
IV
Sumabog na lang ng kanya
Ang bomba ng dusa
Hindi nakokonsensiya
Hindi naaawa…
Hindi naaawa…
Hindi naaawa…
No comments:
Post a Comment