Monday, May 13, 2013

"Alam mong adik ka na sa magic kung..."


"Sige lang...Cards pa..."


"Alam mong adik ka na sa magic kung..."
by:
Virgilio F. De leon Jr.

Minsan sinasabi natin sa mga sarili natin na ang Magic ay isang maliit na parte lamang ng ating mga buhay...siyempre tulad ng mga normal na adik eh di natin napapansin ang mga senyales...Tingnan mo kung isa ka sa mga ito...

1) "Nagigising ka sa madaling araw...bigla kang maghahanap ng piyesa sa mga box mo ng cards at gagawa ka ng deck..."

Adik ka na nga

2) "Lahat ng T-shirt mo puro GP shirts lang...kahit GP Antartica meron ka..."

Adik ka na nga

3) "Nakaspeed dial na si Mang Jerry sa Cellphone mo..."

Adik ka na nga



4) "Naisip mo na kapag nagkaroon ng Zombie Apocalypse ang una mong pupuntahan eh yung card shop na pinakamalapit sa inyo para kunin yung Black Lotus nila na nakadisplay ..."

Adik ka na nga

5) "Tuwing may gagastusin ka tulad ng pagkain ang sukatan mo eh laging cards.Example: Ang mahal naman dito sa Vikings...Putsa isang Damnation na sana itong nakain ko..."

Adik ka na nga

6) "Ang pangalan ng mga anak mo eh Liliana, Jace , Chandra , Ajani at Garruk...o kung sa kaibigan ko...Si Zarek..."

Adik ka na nga

7) "Kung nagmumukha ka nang Goblin...at nagaamoy Goblin ka na din..."

Adik ka na nga

"Masamang impluwensiya ba talaga ako?"

8) "Sa umpisa may nanood lang habang naglalaro ka ,tapos biglang nagtatanong , lalaro na din tapos...nagbebenta na ng Dugo at Electric fan para makalaro sa Standard...Pare , Pang cards ko lang..."

Adik ka na nga

9) "Ang kuwarto mo eh mukha nang Kuwarto ng Hoarder...at mukhang kailangan mo na ng intervention...

Adik ka na nga

"Anak kakain na...Anak?"

10) "May nasunog na card shop...Nauna ka pa sa mga bumbero (para makahoard ka din)...

Adik ka na nga

11) "Lagi mong naiisip yung Alternate Art ni Sigarda habang..."

Adik ka na nga

"Naiisip mo ba ako?Madalas ba?"

12) "Lima lang ang kulay ng damit mo...at lahat yun nakuha mo sa likod ng paborito mong laro..."

Adik ka na nga

13) "Kapag pumunta ka sa probinsya at nakakita ka ng Ricefield at Bundok sa dulo ang una mong naiisip eh Red/White Mana or Di kaya nagpunta ka ng Underground River sa Palawan , ang naiisip mo magcast ng Blue/Black spell...

Adik ka na nga

14) "Pag nakarinig ka ng salitang "Magbabakal" ang naiisip mo eh yung mga Equipment sa Mirrodin..."

Adik ka na nga

15) "Naisip mo minsan na sa dami ng lupa na meron ka di na kailangan magrally ng mga magsasaka...Di mo naman ginagamit lahat ng plains mo eh..."

Adik ka na nga

16) "...ang kuwarto, bahay at Kotse mo eh may mga maliliit at matataas na pile ng mga cards na tinatawag mong "Work in progress" or "Lab work" pero di mo nababalikan hanggang malimutan mo na..."

Adik ka na nga

"Ayos to ah! pasok ko nga sa deck ko!"


17) "...may hinahanap kang card para madagdag sa deck mo tapos may makikita kang card na malupit na nakastock lang tapos makakaisip ka ng concept tapos hahanap ka ng ibang cards para magsupport sa concept na yun tapos...malilimutan mo yung dahilan kung bakit kanina ka pa kumakalkal eh di ka pa natatapos?"

Adik ka na nga


18) "...maya't maya kang tumitingin sa spoiler sites or FB para tumingin ng kakapreview lang na cards..."

Adik ka na nga

19) "...minsan mong naisip kong kakain ka ba o bibili na lang ng piyesa..."

Adik ka na nga



20) "...bumili ka ng cards eh tigdadalawang set kasi baka mamaya pag gumagawa ka ng mga deck eh kulang at magsisi ka kung bakit di mo pa binili kanina..."

Adik ka na nga

21) "...pinapapili mo yung gf ,asawa o anak mo ng lucky pack mo..."

Adik ka na nga

22) "Madalas kang nagpiplaytest kahit nanood ng TV or kumakain..."

Adik ka na nga

23)"...maghihiwalay na kayo ng GF o Asawa mo at ang una mong naisip eh...paano ko bitbitin lahat ng cards ko?"

Adik ka na nga

24) "Sa mga Birthday at Lamayan o anumang okasyon eh may dala ka pa ring deck..."

Adik ka na nga

"Ngayon na!"

25) Di ka makapagdecide kung saang guild ka sasama kaya...Pinasok mo lahat!"


Adik ka na nga


Tama...malamang maraming natawa at natauhan pagkatapos itong mabasa...wala pa namang nagsisimula ng Rehab para sa mga magic players. Kahit ako di papasok.Di din ako aattend ng Magic Anonymous.Kung meron man Magic Anonymous malamang maglalaro din lang pag andun na.Pero at least nalaman mo na adik ka na nga.



24 comments:

  1. akala ko huling huli dito,

    kung binasa mo tong article na to at atnggi ka ng tanggi...

    adik ka nga!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama ka diyan Sir hahahaha....thank you for reading and leaving a comment...

      Delete
  2. Like ito ah... binasa mo ng paulit ulit...

    adik ka nga!!!

    ReplyDelete
  3. nag agree ka? adik ka nga!!! :D

    ReplyDelete
  4. So far eto ung article mo na sobrang natawa ako. Haha, panalo sir! #1, #5, #25, #21, #20, #19, #18, #17, #6. Pero panalo ung #14 eh! Waahaha! Magbabakal!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat po...Mirrodin boy ako kaya ayan #14...hahahha...I had fun writing this...

      Delete
  5. tawa ka ng tawa habang binabasa ito.. sapul ka no?!... ADIK KA NGA

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you sir...yup...madami ang natamaan at di magbabago hehehe

      Delete
  6. Replies
    1. Please continue to be so...hehehe thanks for reading...

      Delete
  7. MInsan masarap amuyin ang bagong bukas na pack lalo na naka jackpot ka ng foil na me presyo.. hmmmmm... adik

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pag stressed na ako...ang therapy ko eh bumili ng cards...iba nga talaga ang amoy ng bagong bukas na pack hahahah

      Delete
  8. nag quitnako pero after ilang years bumalik...sabi nga eh..love is sweeter the second time around...adik na ba ko?

    ReplyDelete
    Replies
    1. welcome back...di pa naman...pero you are progressing...

      Delete
  9. Good stuff. Thumbs up! -Kenkoy

    ReplyDelete
  10. ang sarap basahin parang lahat nangyayari. hahaha .. adik lng

    ReplyDelete
  11. Nakakatakot naman. Parang preview ng mangyayari sa aken ahahah!

    ReplyDelete
  12. hehehehehe Kira...you would know...believe me you would know...More than a decade of Magic and you will see the list grow even longer hahahah

    ReplyDelete
  13. Uhmm, e di hindi pa ako adik kasi wala sa #6 ang pangalan ng baby ko na si Nissa? Hahaha.

    Kaso nagcomment ako at binasa ko lahat ito, wala din, adik pa din ang kinabagsakan. Hahahaha.

    Good article, apir! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Apir! Yung mga orig lang nasulat ko hahahah. Salamat salamat sa pagbasa. Baby Nissa future Magic adik din. Parang anak ko Aven , after the race. Hahahahah

      Delete