Ubo ka ng ubo...
Ni:
Virgilio F. De leon Jr.
May mga tao talagang sadyang di nagtatanda ng turo ng mga magulang nila. Kailan lang habang bumibiyahe sa kahabaan ng Edsa , may isang taong ubo ng ubo , yung tipong alam mong medyo kailangan nang ilabas pero ayaw lumabas. At panay ang pagtangka nito na ilabas ang makapit na plema. Ubo. Ubo. Ubo. Sana lang eh marunong siyang magtakip ng bibig kasi kapag umuubo siya eh dun siya nakatapat sa braso ko. Di lang isa or dalawang beses , di na mabilang sa dami ang pag ubo niya at di pa nagtatakip! Gusto niya sigurong manghawa kung anong meron siya. Sana eh sa kanya na lang. Kung may SARS siya o kung ano mang nakakahawang sakit eh sarilihin na lang niya. Promise di naman ako magagalit kung sa kanya na lang. Pero sadyang napakabait ng mamang ito. Sa inis ko eh sinabay ko sa pag preno ng tren ang siko ko na agaran namang tumama sa mukha niya. Tiningnan ko ng masama. Tumingin sa akin. Tiningnan ko lang. Alam niyang kanina pa niya ginagawang landingan ng mikrobyo ang braso ko. Bumukas ang pinto. Lumabas ang mama. Hinabol ko pa ng tingin habang papalabas. Akala ko papalag. Magaling lang pala umubo.
Naghanap ako ng alcohol sa bag ko. Parang gusto kong silaban ang kamay ko. Malas ng malas. Naiwan ko sa bahay ang hand sanitizer ko! Naiimagine ko na libo libong bakterya ang nagpipiyesta sa balat ko. Tiniis ko na lang hanggang bahay. Binabad ang damit. Naghilod ng mabuti. At sa susunod eh nangako sa sarili na magdadala ng alcohol at taser. Alcohol para pag naubuhan ako. Taser para sa abnormal na di marunong magtikom or magsara ng bibig kapag umuubo.
hahahaha... lesson learned for you..
ReplyDeletelalo na ngayon.. sabi nga sa commercial..
bawal magkasakit.. hahaha
bawal talaga magkasakit...hirap na...napansin ko na 2 blog ko na pala ang ganitong thema...imagine how often this happens...
ReplyDelete