Sunday, January 6, 2013

Daglian lang...Solb ka padin..


Daglian lang...Solb ka padin..
Ni:
Virgilio F. De leon Jr.


     Wag Lang Di Makaraos..Isang libro na Koleksiyon ng mga maiikling kuwento. Sa Sobrang ikli eh mahaba na ang dalawang pahina. Simple lang ang mga tema . Pag nabasa mo eh akala mo alam mo na ang mangyayari hanggang dulo dahil parang nabasa mo na dati pero pagdating mo sa dulo iba ang laging kinahihitnatnan. Sabi ni Eros Atalia matagal niyang tinapos ang libro na ito. Sa sobrang tuwa ko eh natapos ko ng isang araw.Nakatuwa.Nakakapagpaisip.Gusto kong magsulat kasi nabitin ako. 

     Kada taon libro ang hinihingi ko sa mga exchange gift sa opisina. Masaya naman at isa ang mga libro na ito naibigay sa akin. Mula sa unang kuwento na "Multo sa kuwarto ko" hanggang sa huling kuwento na "Tuhog"...makikita mo ang metikulosong pagkakaareglo ni Eros Atalia ng mga ito. Kaya binasa ko uli nung isang araw. Magandang libro para sa mga taong maikli lang ang attention span at para sa mga taong naghahanap ng magandang babasahin na di masyadong mabigat na ngunguyain ng utak mo. Ok din dalhin sa banyo kasi di Chapter ang tatapusin mo at di mo pinapalaki ang risk mo na magkaalmoranas. Mahirap din kasi magsulat at habang binabasa ko uli nung isang araw parang mas lalo akong natuwa sa kanya. Nagwork lang ata ang principle of Diminishing return nung pangatlong beses ko nang nabasa...


No comments:

Post a Comment