Sunday, January 22, 2012

"Wag kang autistic , ayos?"



"Wag kang autistic , ayos?"
by:
Virgilio F. De leon Jr.

Kanina lang eh nagbabasa ako ng isang article tungkol sa autism , ito yung sakit na sinasabing mayayaman lang ang puwedeng magkarun. Akalain mo yun kaya nilang iafford ang sarili nilang mundo! Alam natin na ang mga autistic eh hirap makipagusap at magpakita ng kanilang mga damdamin. Nahihirapan silang makahalubilo sa ibang mga tao , at ito eh di nila sinasadya sapagkat natural na meron silang sakit at kakulangan.

     Ang gusto kong pagusapan eh yung mga taong lumaking normal pero pagkatapos bumili ng MP3 player at isang headphone (Dr. Dre beats daw ang maganda! Class A eh ok na!) eh nagiging autistic na sa pakikipagsalamuha sa mga tao at sa kapaligiran nila. Buong mundo ang apektado dito tsong , yung mga taong naka earphones na naglalakad sa kalye eh di nakakarinig ng mga busina ng kotse ,tapos nagtataka na lang sila kung bakit sila nabundol? Ganun din yung mga nagbibisekleta nang pagkabilis bilis dahil nadala ng musika. Nadala din sila ng musika papunta ng pader at nagiintay ng ambulansya para dalhin sila sa ospital.
Dito sa atin malala na rin ang pagkautistic ng mga tao. Kahit sino ang kasama eh naka headphones pa din. Uuwi ka kasama mga kaibigan mo eh nakaheadphones ka , parang sinabi mo na rin sa kaibigan mo na wag mo akong kausapin kasi wala naman akong pakialam sa sasabihin mo. Mga bata na kumakain sa labas pag Linggo kasama ang mga magulang nila , pansinin na may isang autistic na kasama dito , yung isa na nag e- air guitar at nagheheadbang mag isa habang yung iba eh kumakain at nagkukuwentuhan. Tsong kahit na gaano pa kalupit ang paboritong banda mo eh minsan lang ang oras mo sa pamilya mo , gawin mo ang magalang na bagay at itago mo muna ang headphones at mp3 player mo. Yun lang , kung sa tingin mo eh kupal ang lahat ng miyembro ng pamilya mo o mga magulang mo at walang kuwenta na makipag usap kahit isa sa kanila eh pumasok ka na lang sa sariling mong mundo at sa pag gawa nito eh ginawa mo na ring walang kuwenta at silbi ang sarili mo.


     Masarap makinig sa personal na seleksyon mo ng musika , mapa Pop , J-pop or K-pop pa yan at wala akong pakialam kung ano pinakikinggan mo kasi karapatan mong mamili kung ano gusto mo. Di mo rin masisi ang mga naka earphones na bumibiyahe sa daan kasi sa totoo lang kahit ako ayokong makinig sa mga kabobohang naririnig ka sa radyo at mismong kasama mo sa biyahe. Ilang beses ka bang nakarinig ng “kailangan pa bang imemorize yan?” at “Baaaaaaaaaah” nang paulit paulit o kaya ng “Me ganun?” Kaya di ko talaga masisi. Ok lang yan talaga. Ipreserva mo ang utak mo kasi mas maraming maitutulong yan sa iba.
Ang di lang tama talaga eh yung mga sitwasyon na kailangan mong magsalita at makisama sa mga tao na mahal ka at alam mong mahal mo naman kahit na parang minsan eh gusto mo silang sakalin dahil sa kaibahan nila sa iyo. Bigyan mo kasi ng pagkakataon na makausap ka din , kadalasan sa pagkakaintindihan nawawala ang pangangailangan mong mag isa. Itago mo muna ang Mp3 player mo dahil andiyan lang ang mga kanta pero ang tsansa na gumawa ng magandang ala ala eh ngayon lang. Kaya wag kang autistic , ayos?

2 comments:

  1. Agree! meron pa nga kala mo kung makatingin kasi nabangga mo sila.. este sila pala ang bumangga sa iyo kasi di nila nakikita ang dinadaanan nila dahil nga naka head phone na, nakashades pa.. sa loob ng mall.. taas ng araw sa mall...

    ReplyDelete