Friday, March 29, 2024

"Pangako"

 "Pangako"

ni

Virgiliio F. De leon Jr. MD


I

Sabihin mo sa akin

At aking ibabaon sa aking isip

Malayo sa mga nang aabuso

At kahit sa mga pilit sumisilip


II

Itatago ang aspetong sa iyo

At ilalalaman lang ng puso

Mga salitang di na muling mariring

Nakahimlay sa takdang pananalig.


III

Sabihin ang mga kabiguan

At aking babaguhin

Sabihin , sabihin

Nang di na uulitin.


The Nerd Lab , Caloocan City. March 30 , 2024

No comments:

Post a Comment