"Pag-uwi ng Tala"
ni:
Virgilio F. De leon Jr.MD
I
Ikaw ang mga tala , malayo at malaya
At ako ang dilim na sa iyo'y yumayakap
Simula takipsilim hanggang sa umaga
Ang sinasabi mong layo ay di nadarama
II
Sa bawat distansya ay liwanag
Na parang nagsasabi na ito ay tama
Sa bawat ikot ng mga planeta
palapit ng palapit sa tinakdang tadhana
III
Kung sinasabing kalawakan ay malamig
Ang araw at buwan ay nasa ating panig
May basbas ng araw , may pagkunsinti ng gabi
Ang talang malayo , sa akin , ay babalik muli.
Rockwell , Makati. June 7 , 2022. 9:38am
No comments:
Post a Comment