Tuesday, September 28, 2021

"Pagtutuwid"

"Pagtutuwid"

ni:

Virgillio F. De leon Jr.MD

 

I

Di na titigil sa mga nasimulan

Nagtatanim pa din kahit anihan na

Dahil di din tumigil ang pagawa

Ng mga bagay na kailangang gawing tama


II

At di na nagsasabi kung anong burak

Nilinis na ng oras na dahan dahan ang patak

Tumayo laban sa madidilim na ulap

Inayos ang takot na sumasakot sa utak


III

Pinangako na kung ano ang maayos

Yun na ang pipiliin at pipiliin ding muli.

Hanggang sa umayos ang mga sanga sanga

at matuwid sa iisang landas


Optum.Quezon City. September 29 2021. 5:41am. Poem 28 of 30. 

No comments:

Post a Comment