Monday, September 27, 2021

"Ang Pagtikom"

"Ang Pagtikom"

Ni:

Virgilio F. De leon Jr.MD

I

 Pakikinggan ko ang hulog ng mga bubog

Mga masasakit na salita sa labi mong nagmula

Di ipagpapalit isang saglit ng iyong galit

Sa Ginhawa na sisimulan sa iba


II

Hinihintay ang iyong bulong habang nakakulong

At nagugutom na mamalagi sa iyong tabi

Nang di na sasabihin ang aking sasabihin

Ngigngiti na lang kung kakailanganin


III

At Napagod ka ba sa paghihintay ng aking kalayaan?

At tuluyan nang winaglit ang galit?

Napinid na ang mga pulang labi

At tuluyan nang walang mahahapding nasabi.


Optum. Quezon City. September 28 2021. 7:27am. Poem 26 of 30.

No comments:

Post a Comment