Monday, August 16, 2021

"Nang Bumaba Siya sa Clinic"

"Nang Bumaba Siya sa Clinic"

by:

Virgilio F. De leon Jr.MD 


I

"Pinababa po ako dito"

"Masakit ang ulo ko"

Ano pa po ang nararamdaman?

"Wala nang lasa't pangamoy"


II

Dali dali sa isolation

Nailagay at kinausap

Kailan mo pa naramdaman ito?

"Matagal na , Nung Biyernas pa po,"


III

"At ilang tao ang iyong nakausap?"

"Nakasama sa hapag kainan?"

"Nakayosi? Nakatsismisan?"

"Nahalikan at Nahingahan?"


IV

"Marami po. Marami po."

Sinabi mo na may pagsisi.

Di po nila alam

Sana po ay wag niyong sabihin.


Kailangang sabihin. Kailangang malaman

Maaapektuhan ang kanilang kabuhayan

Maapektuhan ng dalawang linggo 

At sana nga yun lang ang matatamaan.


Optum. Quezon City. August 17 2021. 2:24am Poem 16 of 31. 


No comments:

Post a Comment