"Ang Sukli sa Huli"
Ni:
Virgilio F. De leon Jr.MD
I
Minsan ko nang Nasabi
Salamat at Salamat
Minsan na ding nasabihan
Salamat at Salamat
II
Sa mga bagay na di kayang suklian
Sa mga bagay na ikaw lang ang makakagawa
Iniintay pa ba ang mga salita?
Papuri at kung ano ano pa?
III
Minsan titingin kung may nakatingin
Minsan ginagawa ng palihim
Kadalasan lumalabas na ng kusa
Kailangan pa ba ng salamat? Sa tingin ko Hindi na.
Optum. Quezon City. August 4, 2021. 3:52am. Poem 3 of 31.
No comments:
Post a Comment