Friday, October 30, 2020

"Sigawan2020"

 "Sigawan2020"

ni:

Virgilio F. De leon Jr.MD


I

Nagsasawa sa sigawan nating dalawa

Di ka naman nakikinig di ba?

Alam mo ba kung saan galing ang tinig

Na di naman galit pero ramdam ang sakit?


II

Na pilit na iniinitindi

Ang mga maliliit mong hinanankit

Ang mga patong patong na kasalanan

Na ikaw at ikaw lang ang pumipilit


III

Minsan  , kadalasan , Madalas

Nawawala na tayo sa landas

At ang mga ngiti mo ay di ko na makita

Habang humahakbang ako ng paatras


IV

Sasabihing di na kaya

Sasabihing wag na muna

Pero di naman talaga kaya

Uupo. Makikipagsigawan na lang muna.



Optum 10/28/20 10:39am

No comments:

Post a Comment