Tuesday, September 29, 2020

"Sa May Kanto ng Congressional"

 "Sa May Kanto ng Congressional"

Ni:

Virgilio F. De leon Jr.MD


I

Kakatok sa puso mong sarado

habang ang ilaw ay pula

Pahingi ng pagkain

para sa aking kapatid at ina


II

Pahingi ng pambaon

Sabay katok sa nakapinid na bintana

Pabilis na lang sir

Magbabago na sa berde ang ilaw


III

Nguni't ang puso ay di bubulaklak

napuno na ng ganid at basura

Dali daling magkakambyo

At tatapak sa gasolina


IV

Iwan ang ale , ang bata

na may hawak pa ding placard

titingin sa nakaalis

pero kakatok naman sa bagong tigil.


Toyota Abad Santos , Manila. September 28,2020. 10:08 am

No comments:

Post a Comment