Friday, August 28, 2020

"Mga naisip ko lang ngayong adult na ako: Wile E. Coyote Edition"


"Mga naisip ko lang ngayong adult na ako: Wile E. Coyote Edition"
ni:
Virgilio F. De leon Jr.MD

1) Paano nakaka order ng mga ACME products si Wile E. Coyote? Wala pang text nun. Nakakapagfill up ba siya ng forms? May ibang Coyote ba na puwede niyang orderan sa ACME?

2) Paano dinadala yung mga ACME products eh wala naman siyang address sa desyerto?

3) Paano nagbabayad si Wile E. Coyote? Wala naman siyang stable na trabaho? 

4) At kung may pambayad siya sana di na lang siya bumili ng ACME products kasi madaming defective. Nagorder na lang siya ng fried chicken kaysa habul habulin si Road Runner mas nakatipid na siya, di pa siya nasasaktan.

Madaming Sumagot. Pero hanggang ngayon napapaisip pa din ako.

No comments:

Post a Comment