Friday, January 31, 2020

"Tula ng Wala"


"Tula ng Wala"
Ni:
Virgilio F. De leon Jr.MD

I
Yung minsan na pinilit magsulat
Iniisip na may matatapos
Na matagal nang di natatapatan
Ngunit puro guhit na walang saysayan 

II
Hinahanap ang inspirasyon
Na dating namang dumadaloy
Barado , Barado parang sasabog
Di alam kung saan dadaan ang alon

III
Sumasakit ang puso
Walang maisulat na guhit
Pipikit na lang 
Baka bukas na lang ulit.

Fompac , Valenzuela City. January 31 , 2020. 5:52pm

No comments:

Post a Comment