Friday, January 31, 2020

"Hanggang bukas"


"Hanggang bukas"
Ni:
Virgilio F. De leon Jr.MD

I
Nagtatanong na naman sa dilim
Ano ba ang iyong mga lihim?
Sa likod ng ngiti at matamis na labi
Mga pangil ba ang makikita sa huli?

II
O baka nagiisip na naman masyado
kahit di din naman sigurado
Pero di maiaalis ang mga tanong
dahil ngayon lang nagkaganito

III
Pero yun nga , susulitin na lang
hanggang matapos ang gabi
lahat din naman lalabas sa liwanag.
Di na kailangang magpaliwanag.


Optum Building N, Quezon City. January 25, 2020. 12:29am

No comments:

Post a Comment