Tuesday, December 31, 2019

"Abangers"



"Abangers"
ni:
Virgilio F. De leon Jr.MD

I
Tumitingin sa relo , ang bagal nito
nagaabang sa paglabas, kahit anino mo
Pero parang di naman ata tadhana
Na makita ko ulit ang maamo mong mukha.

II
Siguro oras na din ang nagugol
Oras na din na di mababalik
Masama na rin siguro kung umasa
Na ang sulyap ay pupunta sa halik

III
Kaya sa pagtalikod bumilis ang pulso
Tinawag mo ang pangalan ko.
Kanina ka pa ba?
Kanina ka pa ba dito?


Optum. Bldg N. Quezon City. November 30, 2019 12:56am

No comments:

Post a Comment