Friday, August 30, 2019

"Walang Katapusang paghuhukom"



"Walang Katapusang paghuhukom"
Ni:
Virgilio F. De leon Jr.MD

I
Umalulong ang mga ulol
Sa sulok ng mga silid
Nang luminis and luntiang paligid
Usok pa din usong binibilin

II
tumatak ang tamang salita
sa noo ng mamang mataba
Di na ako uulit , di na uulit 
  
III
Di din naman mapapawi
ng galit ang mga nasawi
tatataas lang nang tataas
ang presyong sisingilin sa huli

IV
Sumigaw man ng sumigaw
ng hinihinging paghihiganti
Di naman mararating 
ang mga tenga ng bobo't bingi

August 31 , 2019. 4:52am

No comments:

Post a Comment