Monday, October 29, 2018

"Parang Kayo."


"Parang Kayo."
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD

I
Di ko makita ang dulo nito
pinasok na problemang di gusto
Pero ito at napasubo
iniwang mga bagay na di naman bago

II
Di inaasahan mawawala ng ganun lang
Sumasama ang loob sa bawat saglit
Naiwan , nabigatan , nahusgahan
at para sa akin at bakit?

III
Kung ikaw na ang kumilos
Gumawa ng solusyon
Ikaw na naging responsable
Ikaw pa din ang mali?

IV
Anak niyo nga ako
Ginawa ang tama
Nahusgahan pa din
at natatawag na mali.

UHG Bldg.O , Quezon City 10/13/18 2:16am

No comments:

Post a Comment