Friday, July 13, 2018

"Sagot"


"Sagot"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD

I
Unti unting tumiklop ang talukap ng mga mata
kakaintay sa mga sinasabi mo na di dumadating
Di ko na alam kung ito ba ay tama
ang alam ko lang kailangan ko na talagang malaman

II
Ano na ba ang sagot mo sa mga tanong?
Malabo pa din pa para di mo maramdaman?
Parang tanga tumitingin kung sasagot ka pa
alanganin na ang oras pero ito di pa pumipikit

III
Pero bakit parang may liwanag na sa labas
eh naghihintay pa din.
Siguro mamaya. Siguro bukas. Siguro sa susunod na araw.
O siya siya siya. Itutulog ko na lang.

IV
At sa pagpikit lumabas din ang hinihintay. 
Di na malamang mababasa. Binura na ang mga natira.
Pinatay ang laptop at tuluyan nang umalis.

Oo.

July 9 2018 8:05am Little Tagaytay , Valenzuela City. 

No comments:

Post a Comment