Monday, April 2, 2018

"Doc In , Doc Out Espesyal Letter to Patients:The Rarest Patient Edition."


"Doc In , Doc Out Espesyal Letter to Patients:The Rarest Patient Edition."
by:
Virgilio F. De leon Jr. MD

Dear Rarest Patient,

Para akong aatakihin sa puso nung nagpunta ka sa clinic , for once di nagpapauwi or acting na acting na gustong humingi ng rest ang kausap ko. 

After kitang kausapin kasi sabi mo sumakit ang ulo mo 2 days ago sinabi mo lang na may condition ka at ayaw mo namang umabsent talaga kasi kawawa ang team mo kasi nga negative na kayo.

Wala kang gustong kunin or ipagawa. Sinabihan mo kami para aware kami. Kung araw lang titingin ako sa labas at pakiramdam ko may dancing sun , nagcheck na din ako at baka dancing moon naman ang meron. Wala naman.

Pero natuwa lang ako kasi ngayon lang ako nakakausap ng patient na katulad mo. Sana dumami pa kayo. Pero di na ako aasa diyan. Masaya na ako na nakameet ako ng katulad mo in this life time.

Nagmamahal,

Doc June

No comments:

Post a Comment