Friday, February 23, 2018

"Doc In Doc Out Espesyal Letter to patients: Dear Lolo Anger Edition"



"Doc In Doc Out Espesyal Letter to patients: Dear Lolo Anger Edition"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD


Dear Lolo Anger,

Hello po. Kalma muna tayo po ok. Alam ko po na naging stressful ang mga nakaraang linggo sa inyo dahil sa inyong pagiging absent. Alam ko po na kayo ay may edad na at medyo sanay nang makipagtalo at makapagdahilan sa mas bata sa inyo.

Pero po kung kayo ay nagabsent at naospital pa ng ilang araw kailangan po ng clinic ng fit to work certification galing sa inyong doctor. Lalo na at kayo ay nangaling sa isang nakakahawang sakit. Alam po ng doctor ninyo yan dahil di lang naman po ang kumpanya na ito ang humihingi niyan.

Ngayon po kung pupunta kayo sa clinic at sisindakin niyo ang doctor ng mga argumento ninyo eh di din po maayos na gawin. Lalo na po kung ako yung doctor. Ako po ang nandito Lunes at Biyernes. Ako ang Literal na Alpha at Omega ng schedules , di puwedeng di ko malalaman kung kayo ay dumaan o di dumaan dito.At base sa bilis ng pagkuwento mo sa akin at sa lakas ng boses mo sa akin pakiramdam mo na papayagan na kitang pumasok kahit wala ang mga clearance mo?

Diyan po tayo nagkakamali. Matagal na po akong sindak kaya di na ako masisindak. Matagal na din ako nakikinig ng kung ano anong palusot kaya yung lahat ng sinabi niyong palusot ay narinig ko na din po. Wag niyo pong sabihin na di kayo binigyan kasi ang matinong Doctor at hospital eh magbibigay niyan kahit di kayo magtanong.

Ngayon ako naman ang kakalma ok? Bumalik na lang po pag dala na ang mga papel at wag sayangin ang oras ng iba. Marami pong pasyente at kaunti lang ang oras.

Di masyadong nagmamahal,

Doc June

No comments:

Post a Comment