Friday, January 19, 2018

"Doc In , Doc Out Espesyal letter to patients: Decided to Go Home Edition."



"Doc In , Doc Out Espesyal letter to patients: Decided to Go Home Edition."
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD

Dear Di Masyadong minamahal na pasyente,

Alam ko na minsan mahirap ang buhay. Maraming tawag at wala ka nang pahinga. Masama pa ang pakiramdam mo na di nakakatulong sa pagiging effective mo sa floor.Andito ako para tulungan ka. Promise.

Pero please wag kang pupunta sa clinic , dala mo na ang mga gamit mo , mainit ang ulo mo na magsasabing , "Puwede bang magpasent home?!" at tapos eh di ka makikinig sa mga sasabihin ng mga nurses at magiinisist ka na magpakonsulta ng di ka man lang nakukuhanan ng vitals signs.

Madali po akong kausap and kung decided kang umuwi eh papauwiin naman kita.Forever. Yung wala nang balikan. Yung wala ka nang iisiping trabaho kasi wala ka nang babalikan. 

May criteria naman yan na sinusunod. Kung pumasok ka dun eh ok. Kung hindi eh ipapaliwanag naman sa iyo. Pero wag kang magaastang bata na di napagbigyan sa gusto. Magulang din ako. Marunong akong manupil ng mga bata.

O siya. Kausapin mo ako kung decided ka na. Kung di naman. Tutulungan pa din kita.

Minsan Happy , Minsan nakukulitan sa iyo,

Doc June

No comments:

Post a Comment