"Doc In , Doc Out Espesyal Letter to patients:Fit to work edition"
by:
Virgilio F. De leon Jr.MD
Dear Mga Di masyadong minamahal na pasyente,
Isa po sa mga bagay na gawain ng ating clinic ay magscreen ng mga potential na sakit bago pa ito kumalat sa ating opisina o para maiwasan na magkahawaan ng mga sakit.
Kami po ay nagpapauwi kapag nakakahawa ang sakit mo pero kapag kayo ay galing sa bakasyon(yung iba lang naman) , este mahabang pagkakasakit eh kailangan na dumaan kayo ng clinic para masiguro na kayo ay dapat pa bang magbakasyon , este magpahinga or pumasok na. Ito po ang ating Fit to work process.
Ito po ay ginagawa BAGO kayo pumasok. Di po ito ginagawa mid shift o isang oras bago kayo umuwi. Di po ito pormalidad lang. Sabihin na natin na kayo ay may sore eyes nung nakaraang linggo at pumasok na kahit di nagpafit to work sa isang Opthalmologist at dahil dito di rin kayo dumaan ng clinic kasi wala ka namang mabibigay na med cert at dumiretso ka na lang sa floor. Nakipag beso beso sa mga kateam mate. Nag highfive sa mga namiss mong kasama. Ano sa tingin mo ang mangyayari kung di ka pa talaga magaling? Next week marami ang mawawala kasi nahawa din sa iyo.
Trabaho po namin na pigilian kayong maghasik ng lagim pero kailangan din namin ng tulong ninyo para mapigil ang mas malaking problema sa trabaho.
Kaya munting paalala. Ang fit to work ay BAGO pumasok. Kung di mo naisip noon. Sana naisip mo na nga ngayon. Yung mga kawawang nahawa sa iyo na gustong magtrabaho ang mawawalan ng suweldo sa medyo pagkaengot mong galawan eh.
Wag na po nating ulitin ha?
Di masyadong nagmamahal,
Doc June
No comments:
Post a Comment