Wednesday, March 22, 2017

"Rallyista"


"Rallyista"
ni:
Virgilio F. De leon Jr.MD

I
Nakakapagod na din
Pagod na isip
Pagod na katawan
Halos mabuwal sa bawat ihip

II
Pero tumatayo at nagmamasid
Ganun pa din tulad ng dati
Wala namang nagbago
Ganito pa din tulad ng dati

III
Sumisigaw kasama ang karamihan
Tinataas ang kamao sa hangin
Na siyang nagdadala palayo ng hinaing
Nadadala , nadadala sa bawat ihip

10/22/2017 - Shaw

No comments:

Post a Comment