Thursday, December 1, 2016

"Nang Bumangon ang Bumbero"


"Nang Bumangon ang Bumbero"
Ni:
Virgilio F. De leon Jr.

Bumulagta na ang bumbero sa kakapatay sa mga apoy
hinahabol ang hininiga nakahiga sa mga tupok na kahoy
Nakakapagod nang bumangon , sawa na sa mga argumento
Oo , Oo at Oo ang mga pangaaway mo ang apoy

Di pa naaapula ang isa ay may isa pang uusbong
naguumpisa at natatapos sa mga nakakarinding bulong
Tama saboy ng tubig patay ang isa.Ay may isa pa.
Di matatapos tapos na araw at ang bumbero nagiisa.

Singhot ang usok , puno ng mga galos , ubos ang lakas
tinukod ang mga siko at nagpumilit tumayo para sa bukas
Matutupok lang ang siyang mga tinayo , humiyaw na lang sa pagod.
Isang oras , isang araw , isang linggo. Matatapos din ito.


Nov 4 2016 , Sykes Shaw 500

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Editor's Note: I do not own the picture shown on this post.

No comments:

Post a Comment