"Bulaklak ng Luha"
by:
Virgilio F. De leon Jr. MD
I
Minsan nang nagmadali
Sa mga bagay na di naman dapat
Nauwi sa pagkukunwari
at si di naghihilom na mga lamat
II
Dala ng galit
Mga salitang namutawi
Mga damdaming
Di na muling napapawi
III
Sinasabing masaya kahit di na
Nagsisinungaling sa sarili
Magiging mabuti rin ang lahat
Di alam na wala nang marytr sa lahi
IV
Umiiyak sa gabi
Ngumingiti sa araw
Bulaklak na maliwanag
ngunit patay na sa tangkay pababa
V
Nagsasabi ng Oo
pero ang gusto ay hindi
Ilang beses tatango
pero dapat ay iiling
VI
Bulaklak ng luha
Patay na sa loob
Lumiliwanag pa din
hanggang sa may kailangan.
No comments:
Post a Comment