Monday, February 23, 2015

"Putol na Bahaghari"


"Putol na Bahaghari"
by:
Virgilio F. De leon Jr. MD

At di na babalik
mga oras na ating sinayang
Di na mababawi
mga salitang may panghihinayang

Ang nasabi ng may galit
tuluyan nang nakasakit
At ang nasaktan
tuluyan nang nagalit

At di na babalik
mga pintong nagsara
Di na mababawi
ang nilimot na alaala

Ang nasabi ng pangnunutya
kahit sabing di sadya
Ang nasaktan
tuluyang nawala na

Nawala sa alaala
Nawala sa simula

No comments:

Post a Comment