"Ang Huling Hiling ni Aling Juling"
by:
Virgilio F. De leon Jr. MD
I
Ang huling hiling ni Aling Juling
Mga ari-arian ay mapasaakin
Mga Pera sa bangko , mamahaling bato
Mga naglalakihang estatwang gawa sa ginto
II
Ako'y nagtaka at di ko siya kilala
Juliana Nakpil De Taverna
Pinapapirma ng abogadong nakabarong
di sinasagot ang aking mga tanong
III
Sino si Aling Juling at ako'y nabiyayaan
Isang bulag , may kapansanan
Nang itanabi na ng abogado ang dokumento
Nagsimula sa kanyang kuwento
IV
Si Aling Juling ay iniwanan ng mga anak
nagpunta sa ibang lupalop at di na sumulat
Isang araw tinamaan ng malubhang sakit
nilayasan pa ng mga kasambahay na may dalang gamit
V
At sa ulan hawak ang dibdib
di kinaya at natumba sa putik
At habang dumidilim ang paningin
nagsambit ng isang panalangin
VI
At bago daw tuluyang nawalan ng malay
nakitang may umaabot na mga kamay
Isang bulag na sa kanya ay bumagon
Isang may kapansanan ang umakay
VII
Ang huling hiling ni Aling Juling
Maibigay ang dapat na sukli
No comments:
Post a Comment